CRAMMERS.
Yan ang mga high school students, sanay na sanay sa "bahala na system". Kasi gustong gusto ng "thrill" sa buhay at tingin ko naman ay talagang swerte sila sa buhay dahil na ihahabol talaga nila ang mga bagay bagay sa buhay nila.
Pag gumagawa ng project, nasa harap ng computer, napakadaming windows, pero nakakatuwa, kahit sobrang busy na eh, nagagawa pa rin i check ang Friendster Account at my YM pa. Astig di ba? Pero ang nasa isip, sana may bagyo o kaya may dumating na bisita ang school.
Totoo nga naman na pag ni rurush mo ang mga bagay din ka nagkakaroon ng ideya at lalong na pepressure na mag isip ng mga bagay na dapat ilagay sa project. Pero di ba nila isip na kung may mas mahaba ang oras nila na mag isip? kaya nga binigay sa kanila yun ng mas maaga di ba?
Ganyan din pag tests, lagi na lang bahala na, and come what may. Pero di ba? Kung di naman ninyo minadali ang mga sarili niyo eh di sana may nakuha kayong mataas na grade at hindi kayo umasa sa sagot ng katabi mo.
Hindi sa lahat ng oras, nasa inyo ang swerte na kapag deadline na eh, biglang may dadating na bagyo o biglang magkakasakit yung teacher ninyo.
Sa lahat ng bagay, may kapalit lagi, kung full most effort yung ibibigay mo, may magandang grade na naghihintay sayo, pag minadali, pag swerte ka pa, mataas pa rin sa inaasahan mo, pero kung wala talaga, wala talaga.
No comments:
Post a Comment