Friday, March 20, 2009

Last Day Na.

BAKASYON NA!!!!!!!!
Sa iba, huling araw na nila ito para mag-aral, lalo na sa mga private school, samantalang ang mga nasa pampublikong paaralan, ayun nasa school pa din, walang kamatayang correct response ang ginagawa at hinihintay na lamang ang DAT na hudyat na dalawang araw na lang pahinga na.
Pag narinig mo na last day na, parang nabunutan ka ng malaking bara sa katawan mo, parang wala ng problema sa mundo -- pero di mo maiisip, mahirap pala, walang panggastos, walang baon. Parang SemBreak din yan, mas mahaba nga lang. Pero kung iisipin mo, maikli lang ang dalawang buwan para sa sampung buwan na duguan ng utak at walang pahinga di ba? Masaya pag bakasyon, kasi kahit ano gawin mo sa buhay mo, yun lang eh kung may pera ka, eh pano kung wala, tutunganga ka na lang sa harap ng tv habang buhay.
Marami ang nalulungkot pag bakasyon, Bakit nga ba? Una, kasi walang baon. Pangalawa, ang mga taong kasama mo sa loob ng sampung buwan ay nasa iba't ibang lupalop ng Pilipinas, ang problema sa kanila, pag pasukan na ulit, wala man lang dalang pasalubong. Pangatlo, wala nang dahilan para gumala, lalo na kung ang excuse mo pag gusto mo gumala ay may gagawin kayong project sa bahay ng classmate mo.
Basta eto lang masasabi ko. HAPPY VACATION!
at sa mga hindi pa nagbabakasyon, mainggit na lang kayo.
P.S.
malalaman mo na last day na ng mga estudyante kapag
nakakita ka ng grupo ng mga teenagers na mukhang isang
section na pagalagala sa mall. :)

No comments:

Post a Comment